Rey Solis, mas killa sa pangalang "Duke".
Nakilala kita matagal na panahon na...lumaki tayo, nagkamalay, at saka nag tagpo ang landas....ng dahil sa barbecue.
Tuwang tuwa ako nung nakilala kita. Kasi sabi ko, ang gwapo naman nito! Nalaman ko ang buong pagkatao mo, pati ako ay nakilala mo ng buong buo. Di ko malilimutan yung gabing natulog ka sa bahay, natandaan mo ba yun? Takot nga ako kay Lola nun kaya sa labas kita pinatulog... magdamag kitang pinaypayan nun. Magdamag kitang sinamahan.
Oo, nagkasama rin tayo ng matagal. Andami na nating pinagdaanan. Nagkahiwalay, pero bumabalik pa rin. Kasi, mahal natin ang isa't isa. Bilang magkaibigan, at halos magkadugo.
Ma-mi-miss ko yung kakulitan mo. Yung pakiramdam ko pag kasama kita. Alam mo yun. Di ko lang inaamin sayo. Sabi mo sakin nun na ang gaan ng pakiramdam mo pag kasama ako. Ako rin naman ganuon.
Kahit san man ako mapunta, kahit saan kaman madako, mahal pa rin kita Duke. Kinuha ka man ngayon ng panginoon, alam ko namang mabuti kang tao. Napakabuti mo sakin, at higit sa lahat,ikaw lang ang nagmahal sakin ng totoo.
Duke, miss na kita agad. Pero mas ok na ito, at least, di ka na masasaktan pa ulit.
Paalam Duke, sanka man nanduon ngayon, mahal na mahal kita. Wag ka susuko, maski nandyan ka na.
Alam mo naman, nandito lang ako, pag kailangan mo.
Hindi na kita pinuntahan kasi ayaw ko makita ka na ganuon. Mahal na mahal kita.
Panginoon, alam ko po na marami kaming kasalanan na nagawa, ngunit sanay'y ipagkaloob mo sa aking mahal na Rey ang inyong pag-gabay at pag unawa, lalo na po ang inyong kapatawaran. tulungan mo po siya sa kabilangbuhay. Wag niyo po siyang pababayaan. Mahal na mahal ko po siya. At sana po, iparating niyo sa kanya ang aking pagmamahal...Amen.
No comments:
Post a Comment